5 araw na holiday dahil sa ASEAN Summit

Idineklarang special non-working days ng Malakanyang ang mga petsang November 13, 14 at 15 sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga para sa ASEAN Summit.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon, Lunes, October 23.

Sa proclamation number 332 ng Malakanyang nakasaad na ang deklarasyon ay dahil sa mga aktibidad na isasagawa sa NCR at Clark Field, Pampanga na dadaluhan ng mga ASEAN Leaders at ASEAN Dialogue Partners.

Ang ASEAN 2017 National Organizing Council ang nagrekomenda ng deklarasyon.

Nauna rito, nagdeklara na ng suspensyon ng klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ang Metro Manila Council para sa petsang Nov. 16 at 17.

Dahil dito, limang araw na walang pasok ang mga mag-aaral sa NCR mula Nov. 13 hanggang 17.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *