5 korporasyon sinampahan ng tax evasion case sa DOJ dahil sa 71 million pesos na hindi binayarang buwis
Ipinagharap ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ ang limang korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umaabot sa 71 million pesos para sa mga taong 2009, 2012, 2013 at 2014.
Partikular na kinasuhan ng Willful Failure to Pay Taxes sa ilalim ng National Internal Revenue Code ang: Lucky Builders Center Corporation; Global Trendtech Trading Corporation; RAR Builders, Inc.; Concreteworks, Inc. at AMAAUTOTECHNIC Corporation.
Kabilang sa inireklamo ng BIR ang mga corporate officers ng limang korporasyon.
Ayon sa BIR, sa kabila ng paulit-ulit na abiso sa mga respondents ukol sa kanilang tax liabilities ay bigo pa rin ang mga ito na bayaran ang kanilang utang sa buwis.
Ulat ni Moira Encina