5 milyong indibidwal, target ng pamahalaan na mabakunahan kontra Covid-19 kada linggo
Kailangang makapagbakuna ng nasa 5 milyong katao kada linggo o isang milyon kada araw upang maabot ang target na herd immunity bago matapos ang taong ito.
Ayon kay National Task Force (NTF) spokesperson Restituto Padilla, kailangang maabot ang target na ito upang maubos ang dumarating na suplay ng bakuna na nasa 20 hanggang 25 million sa isang buwan.
Aminado naman ni Padilla na kulang na kulang ang ilang center ng mga vaccinator kaya nagdodoble trabaho ang mga health worker upang maragdagan ang bilang ng mga bakunado.
Sinabi pa ng NTF official na sadyang bumagal ang sistema ng pagbabakuna sa bansa dahil sa suspensiyon ng pagtanggap ng mga walk-in applicant dahil na rin sa pag-iwas sa paglaganap ng Delta variant.
Batay sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Agosto, nasa 50 porsiyento ng mga Filipino ang nagrereklamo dahil s amabagal na proseso ng pagbabakuna sa bansa.