5 natatanging scout rangers ng WesMinCom ginawaran ng Gold Cross Medal

Lima sa magigiting na scout rangers ng militar ang buong karangalang kinabitan ng Gold Cross Medal sa isang send off ceremony na isinagawa sa loob ng kampo ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.

Ang limang matatapang na sundalo na kalakip sa serye ng pakikipagbakbakan sa mga maute-isis rebels sa nakaraang Marawi clash ay sina: 1st Lieutenant Jay-Arr Quiapo, Sergeant Gerry Gaspar Padayogdog, Sergeant Antonino Basa, Corporal Lisan Aspacio, at Corporal Rodrigo Novilla ng 5th Scout Ranger Battalion.

Ang 5th Scout Ranger Battalion ay ang unang ipinadala sa marawi city sa kasagsagan ng mainitang sagupaan. Ang unit na ito ay nakatalagang i-deploy naman ng hukbo sa probinsiya ng Sulu para lupigin ang ilang grupo pa ng bandidong teroristang Abusayaff.

Sa talumpati ni Lt.Gen.Carlito Galvez Jr., hepe ng Western Mindanao Command o Wesmincom ay sinabi niyang tiwala siyang sa lalong madaling panahon ay malulupig ng unit na ito ang mga abusayaf sa sulu katulad ng magiting nilang pagpapalaya sa marawi mula sa kamay ng mga terorista.


Ulat ni Jun Cronico

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *