5-year plan para gawing tourism powerhouse ang Pilipinas, aprubado ni PBBM
Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang National Tourism Development Plan 2023-2028 ng Department of Tourism (DOT).
Ito ay kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Marcos at dinaluhan ng mga opisyal ng (DOT) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Iprinisinta ni Tourism Secretary Christina Frasco sa Pangulo ang NTDP na magsisilbing blueprint at development framework ng tourism industry sa layuning gawing isa sa tourism powerhouse ang PIlipinas.
“The objectives of the Department of Tourism that focuses on the essential pillars of development, which in our view would give the Philippines a fighting chance at becoming a tourism powerhouse,” pahayag ni Sec. Frasco sa media briefing sa Malacañang.
Nakatuon din aniya ang plano sa pangkalahatang tourist experience at pagpapalakas sa tourism governance lalo na sa mga rehiyon.
“What our fellow Filipinos can expect is mabibigyan ng pagkakataon an gating mga kababayan ng pagkakataon ng tourism employment sa pamamagitan ng pag-dvelop natin ng torusim circuits and continue to push for tourism in across our regions and provinces,” dagdag pa ng kalihim.
Magkakaroon din ng pagbabago sa tourism campaign ng bansa na magtatampok sa “heart and soul” ng Filipino na nakikita na sa mga mamamayan sa gaya ng festivals, pagkain at cultural heritage.
Nakatakdang ilunsad sa mga susunod na linggo ang “enhanced” tourism slogan matapos ang konsultasyon ng ahensya sa iba’t ibang stakeholders.
“I’ll assure you, you will love it,” pagdidiin pa ni Frasco.
Isinulong ang pagbabago sa istratehiy ng bansa sa harap na nag-ranggo ang PIlipinas bilang pang-anim sa tala ng top tourism magnets sa Southeast Asia.
Hindi pa tinukoy ng kalihim kung magkano ang gugol sa proyekto dahil isinasapinal pa aniya ito.
Nagpasalamat naman ang kalihim sa patuloy na suporta ni Pangulong Marcos sa tourism industry.
Bukod sa pagsasaayos ng imprastraktura, layon din ng plano ang pagsasaayos ng internet connectivity sa halos isang daang tourist destinations sa bansa at pagbuo ng e-visa system sa tulong ng DICT.
Noong nakaraang taon, nasa P1.74 trilyon ang naiambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa.
Inaasahang magbibigay ng maraming trabaho para sa mga pilipino ang NTDP 2023-2028.
Noong 2022 ay naitala ng DOT ang 2.65 million international arrivals sa Pilipinas na nag-resulta sa P1.784 trillion tourism receipts at ang pinaka-mahalaga ay ang 5.2 million tourism-related employment para sa mga filipino.
Mula naman January hanggang May 15, 2023, umabot sa mahigit dalawang milyong turista ang bumisita sa bansa kung saan ay nalampasan nito ang 1.7 million na itinakda target ng ahensya.
Eden Santos