50, patay sa Bohol kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette
Nag-iwan ng 50 kataong patay ang Typhoon Odette sa probinsiya ng Bohol.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang 50 patay ay mula sa mga lokal na pamahalaan na nagsumite ng kanilang mga report.
Pinakamaraming naitalang patay ay sa munisipalidad ng Ubay na may 8 casualties.
Sumunod ang President Carlos P. Garcia at Loon na may tig- 5 patay.
Ang mga bayan naman ng Inabanga at Catigbian ay may tig-4 na patay.
Habang ang mga bayan ng Valencia, Tubigon, at Alicia ayt may tig-3 ang patay.
Tig-dalawang casualties naman ang naitala sa Batuan, Antequera, Maribojoc, Calape at Jagna.
At tig-isa ang naitang namatay sa Lila, Pilar, Talibon, Loboc at Candijay.
Wala namang naitalang namatay sa mga bayan ng Tagbilaran city, Dauis, at Balilihan.
Ang reported deaths ay verifies umano ng mga police station at LGU.
Sinabi rin ng Bohol LGU na kalahati ng kanilang populasyon ay wala pa ring linya ng komunikasyon.
Nauna nang isinailalim sa State of Calamity ang Bohol dahil sa pinsalang tinamo sa bagyo.
Huwebes nang mag-landfall ang bagyo sa lalawigan kaya isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.