50k doses ng COVID-19, ido-donate ng Qatar sa Pilipinas
Magdodonate ang pamahalaan ng Qatar ng 450,000 US dollars o P23 milyon na katumbas ng 50,000 doses ng Covid-19 vaccines sa Pilipinas.
Pahayag ng Qatar Embassy, ang donasyon ay mula sa Qatar Fund for Development, bilang suporta sa Covid response ng gobyerno ng Pilipinas.
Sinabi ni Qatar Ambassador Dr. Ali bin Ibrahim Al-Malki, ang donasyon ay bahagi ng kanilang humanitarian action sa gitna na rin ng pandemya.
Una nang nag-donate ang Qatar ng 50k doses ng Covid vaccine sa Pilipinas noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Sa May, 2022 ay ipagdiriwang ng Doha at Maynila ang kanilang ika-41 taong diplomatic relations kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
Ang Pilipinas at Qatar ay nagtutulungan tungkol sa enerhiya, edukasyon, kultura at kalusugan.