50th anniversary ng Sydney Opera House, ginugunita ng Australia
Ginugunita ngayong Biyernes ng Australia ang ika-50 anibersaryo ng Sydney Opera House,
Limampung taon makaraang buksan ni Queen Elizabeth II ang tinaguriang “world’s most recognised concert hall” na binibisita ng nasa 11 milyong katao bawat taon, ang Opera House ay magkakaroon ng isang nighttime laser show na inaasahang sasaksihan ng maraming tao.
Bukod dito ay magsasagawa rin ng mga event na gugunita sa masalimuot nitong kasaysayan.
Ni minsan, ang Danish architect ng Opera House na si Jorn Utzon, ay hindi nakatapak sa gusali na kaniyang idinisenyo matapos niyang talunin ang 232 iba pa sa isang paligsahan noong 1956, na nag-aalok ng premyong 5,000 Australian pounds, isang dekada bago naipakilala o na-introduce ang dolyar.
(FILES) Danish architect Jorn Utzon poses for a photo in his home in Elsinore on January 29, 1957. Australians on October 20, 2023 celebrate the 50th anniversary of the Sydney Opera House, lighting up the sails of a harbourside “masterpiece” that has become an international icon. (Photo by SCANPIX DENMARK / AFP)
Nang sumunod na taon ay lumipat si Utzon sa Australia kasama ang kaniyang pamilya upang simulan na ang proyekto.
Ngunit noong 1966, iniwan ni Utzon ang pagtatayo sa gusali na halos tapos na ang exterior at umalis sa Australia dahil sa mga hindi pagkakasundo sa isang public works minister tungkol sa kaniyang pananaw, budget at financing.
Tinapos ng ibang mga arkitekto ang pagawain, ngunit malaki ang binago nila sa plano ni Utzon para sa interior ng gusali.
Si Utzon ay hindi na bumalik sa Australia ay namatay sa Copenhagen noong 2008, isang taon makaraang mapasama ang Opera House sa talaan ng UNESCO bilang isang world heritage site.
(FILES) Danish architect Jorn Utzon poses for a photo in his home in Elsinore on April 4, 2007. Australians on October 20, 2023 celebrate the 50th anniversary of the Sydney Opera House, lighting up the sails of a harbourside “masterpiece” that has become an international icon. (Photo by JENS ASTRUP / SCANPIX DENMARK / AFP)
Pinuri ito ng UNESCO na nagsabing ang Opera House ay isang “masterpiece of 20th century architecture.”
Ilang araw bago ang 50th anniversary party, dalawa sa mga anak ni Utzon, ang anak niyang babaeng si Lin at anak na lalaking arkitekto rin na si Jan, ay nagkuwento sa harap ng mga tao tungkol sa naging epekto ng gusali sa kanilang pamilya at sa buhay ng iba pa.
Ang konstruksiyon ng makabagong gusali ay tumagal ng 14 na taon at ang nagastos na sa unang pagtantya ay pitong milyong Australian dollars ay lumaki ng hanggang 102-milyong Australian dollars nang matapos, na ang malaking bahagi ay ginugulan sa pamamagitan ng mga loterya ng estado.
(FILES) Residents observe a moment of silence at dawn in front of the Opera House in Sydney on April 25, 2020. Australians on October 20, 2023 celebrate the 50th anniversary of the Sydney Opera House, lighting up the sails of a harbourside “masterpiece” that has become an international icon. (Photo by DAVID GRAY / AFP)
Ang interlocking vaulted sails na nababalot ng mahigit sa isang milyong Swedish-made tiles, ang kinaroroonan ng dalawang main performance halls at isang restaurant, na pawang nakapatong sa isang napakalawak na concrete platform.
Ayon sa Unesco, “The result is a ‘great urban sculpture.’ It is a ‘daring and visionary experiment’ that has had an enduring influence on the emergent architecture of the late 20th century.”