526 examinees nakakumpleto ng 17th Shari’ah Bar Exams
Umaabot sa 526 examinees ang nakakumpleto sa 17th Shari’ah Bar Examinations na isinagawa noong March 20 at March 22 sa UP Diliman sa Quezon City.
Mula sa 653 Shari’ah Bar candidates, tanging 532 examinees ang kumuha ng pagsusulit sa unang araw at sa ikalawang araw ay 526 na lamang ang nakakuha ng eksaminasyon.
Idinaos ito ng sabay-sabay sa College of Engineering, College of Arts and Letters, College of Social Sciences and Philosophy, at School of Economics sa UP Diliman.
Dating isinagawa ang Shari’ah Bar Examinations sa Court of Appeals sa Maynila.
Si Associate Professor at UP Institute of Islamic Studies Dean Macrina Morados ang Chairperson ng 17th Shari’ah Bar Exams.
Isinasagawa ang Shari’ah Bar Exams para makuwalipika at makapag-practice ang Muslim professionals sa Shari’ah courts sa bansa.
Ang mga nasabing korte ang may hurisdiksyon sa mga kaso ng mga paglabag sa PD 1083 o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.
Moira Encina