Higit 55k boxes ng family food packs ipinadala ng DSWD para sa mga apektado ng pagbaha sa VisMin
Dahil sa southwest monsoon o habagat patuloy ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa na nagdudulot ng matinding mga pagbaha na nakaapekto na sa libo-libong mamamayan.
Inatasan ni Department of Social Welfare and Development o DSWD secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response and Management Group o DRMG na magpadala ng mga family food packs sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni DSWD spokesman assistant secretary Romel Lopez na mula sa DSWD central office sa Quezon City ay nakarating na ang 55,000 family food packs sa disaster resource center sa Visayas at Mindanao ang mga family food packs sa Region 6 o Western Visayas, Region 8 o Eastern Visayas at Region 10 o Northern Mindanao.
Partikular na nakakatanggap ng family food packs ang mga naapektuhan ng pagbaha sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Southern Leyte at Bacolod sa visayas region.
Sa Mindanao region naman ay ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental at Bukidnon.
Ginagamit na rin ng DSWD ang mga air assets ng Philippine Air Force upang mapabilis ang distribution ng mga relief goods sa mga biktima ng kalamidad.
inihayag ni assitant secretary Lopez na bukod sa stock file ng family food packs mayroong 1.9 billion pesos na standby funds ang DSWD na handang ibigay na ayuda kung kakailanganin ng mga apektadong local government units o LGUs para tulungan ang mga residenteng biktima ng kalamidad.
Batay sa report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration o PAGASA posibleng tumagal pa ng tatlong araw ang malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong goring na nasa labas na ng philippine area of responsibility o PAR at severe tropical storm Hanna na kasalukuyang nasa loob ng PAR.
Vic Somintac