6.1-magnitude na lindol tumama sa East Timor
Tinamaan ng isang 6.1-magnitude na lindol ang baybayin ng East Timor nitong Biyernes, ayon sa US Geological Survey.
Sinabi ng isang tsunami advisory group na ang lindol ay “maaaring magbunsod ng isang tsunami na makaaapekto sa Indian Ocean region.”
Kaugnay nito, nag-isyu ng tsunami warning para sa rehiyon ang Indian Ocean Tsunami Warning and Mitigation System (IOTWMS).
Ayon sa USGS, ang lindol ay tumama sa lalim na 51.4 kilometres (32 miles) sa eastern tip ng Timor Island, na nasa pagitan ng East Timor at Indonesia.
Ang East Timor ay nasa Pacific “Ring of Fire,” na nagiging dahilan upang makaranas ito ng madalas na paglindol.
Noong Pebrero, isang 6.2-magnitude na lindol ang pumatay sa isang dosenang tao nang tumama ito sa kalapit na North Sumatra ng Indonesia.
Noon namang 2004, isang 9.1-magnitude na lindol ang tumama sa baybayin ng Sumatra at nagdulot ng tsunami na pumatay sa 220,000 katao sa buong rehiyon, kabilang ang humigit-kumulang 170,000 sa Indonesia.
© Agence France-Presse