6.4 magnitude na lindol, yumanig sa Sumatra, Indonesia
Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng Sumatra Indonesia umaga ng Linggo, Agosto 13.
Batay sa US Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol sa layong 74 kilometro ng Coastal City ng Bengkulu na may lalim na 35 kilometro.
Sa pahayag ng isang opisyal ng Indonesia Disaster Mitigation Agency, ang lindol ay naramdaman sa Padang City na mahigit 380 kilometro ang layo sa Bengkulu.
Naramdaman din ang pagyanig sa Sumatra at maging sa Singapore.
Wala pa namang napaulat na pinsalang natamo at tsunami warning mula sa lindol.
Please follow and like us: