6-day road maintenance isinagawa ng DPWH sa 22 pangunahing lansangan sa NCR
Isinailalim sa road re-blocking ang 24 na pangunahing lansangan sa Metro Manila sa loob ng anim na araw na holiday break.
Sinamantala ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mahabang bakasyon para sa road maintenance.
Sinimulan ng DPWH kaninang ala-1:00 ng madaling-araw, Huwebes, April 6, ang road re-blocking na tatagal hanggang April 11 ng madaling-araw.
Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa road re-blocking ang EDSA (Southbound) mula Roosevelt Ave. station hanggang West Ave.; Luzon Ave. (Northbound) mula Luzon Flyover hanggang Congressional Ave. Ext.; A. Bonifacio Ave. (Northbound) cor. Sgt. Rivera St.; A. Bonifacio Ave. (Southbound) mula Cloverleaf hanggang Dorotea at G. Araneta Ave (Southbound) mula Sto. Domingo Ave. hanggang Mauban St.
Kasama din sa isinasa-ayos na lansangan ang Quirino Highway (Southbound) mula Sinforosa hanggang Mindanao Ave.; Commonwealth Ave. (Southbound) mula Zuzuareguei hanggang Villa Beatriz at River Side St.; C-5 Katipunan Ave (Southbound) sa tapat ng MWSS Compound; Arayat St. mula Cristobal St. hanggang Malabito St.; Balete Drive mula sa Mabolo St., hanggang Bougainevilla St.; BIR Road (Southbound) mula Quezon Ave. hanggang East Ave.; Aurora Blvd (Eastbound) bago mag-Gilmore Ave.; Maginhawa St., Malingap St. hanggang Matiwasay St. at Ortigas Granada Road (Southbound) papuntang Boni Serrano.
Isinasa-ayos din ang bahagi ng E. Rodriguez Jr. Ave. (Northbound) sa harap ng Mercury Drug hanggang sa kanto ng Mercury Drug Ave. at (Southbound) pagkatapos ng Boni Seranno flyover papasok sa Orchard Road; Aurora Blvd. (Eastbound) bago mag-F. Castillo; East Ave. (Westbound) sa pagitan ng BIR
Road at Internal Road; Kalayaan Ave. (Southbound) sa tapat ng Red Doors; EDSA (Southbound) pagkatapos ng Malibay Bridge sa Pasay City; at C-5 Road (Southbound) mula Tiendesitas hanggang Julia Vargas, Bgy. Ugong, Pasig City;
Ayon sa DPWH sinamantala ang pagsasaayos ng mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong holiday break dahil karamihan sa mga motorista ay umuwi ng probinsiya.
Sa ngayon ay maluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila kaya hindi nagkakaroon ng traffic congestion habang isinasagawa ang road maintenance work.
Vic Somintac