6 na dati at kasalukuyang LRTA execs kinasuhan ng graft sa Ombudsman
Sinampahan ng patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman (OMB) ang anim na dati at kasalukuyang opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA).
Kasong paglabag sa Republic Act. No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa 2016 Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act ang isinampa sa nasabing mga opisyal.
Iniharap ng anti-graft advocate lawyers na si Atty. Gerry Francisco ang reklamo na nag-ugat sa umano’y ma-anomalyang pag-upgrade ng train sets’ propulsion at monitoring system ng LRT2.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Jeremy Regino ang General Manager ng the Philippine National Railways, at naging LRTA Administrator mula January 2022 to June 2022 at Hernando Cabrera kasalukuyang LRTA Administrator.
Kasama ring inireklamo ang mga kinatawan ng LRTA contractors na Multiscan, Brownsteel and Worldleaders, na sina Yollee Ong-Ramos, Joseph Ramos, Ma. Grazia Lee, at dalawang Koreans mula sa Woo Jin corporation.
Sinabi ni Atty. Franciso na nagkaroon umano ng sabwatan nang pumayag ang mga public respondents na ipagamit sa mga private respondents ang tatlong nasa maayos na maayos kondisyong LRT2 train sets sa mga Ramos para sa testing ng WOOJIN KOREA equipment.
Ayon kay Francisco nadehado ang gobyerno dahil nawalan ng kita mula sana sa paggamit sa linya ng mga ipinagamit na train sets.
Vic Somintac