6 Patay sa Antipolo city dahil sa bagyong Enteng

Anim ang patay sa magkakahiwalay na insidente sa Antipolo city na may kaugnayan sa  pananalasa ng bagyong Enteng at ng Habagat.

Ayon kay Relly Bernardo ng Antipolo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMO, tatlo sa mga biktima ay dahil sa landslide sa barangay San Jose.

Dalawa sa tatlong biktima ng landslide ay magkapatid na menor de edad na 12 at 15 years old habang kapitbahay naman nila ang isa pang biktima na isang 27 years old na buntis.

Samantala, tatlo naman ang naitalang biktima ng pagkalunod sa lungsod.

Ayon sa PDRRMO, isa sa mga biktima ay 44 year old na babae na hindi pa nakikilala mula sa barangay San isidro habang ang dalawa ay mula sa Barangay San luis at isang 44 year old na lalaki at isang apat na taong gulang na bata.

Nagpapatuloy naman ang search and retrieval operation sa isang naitalang nawawala mula sa barangay Sta. cruz.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *