60 Barangay sa Pampanga province, binaha
Bagamat walang naitalang nasaktan o namatay sa pananalasa ng bagyong Ulysses, umabot naman sa 60 Barangay sa Pampanga ang nakaranas ng pagbaha.
Sa ulat ni Radyo Agila correspondent Joel Mapiles, marami pang mga kalsada sa lalawigan ang hindi pa passable dahil sa mga nagtumbahang puno at mga poste ng kuryente na humambalang sa mga kalye.
Sa ulat aniya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 10 feet ang pinakamataas na naitalang pagbaha at ito ay sa bayan ng Minalin.
Marami ring mga bayan sa lalawigan ang nawalan ng suplay ng kuryente kabilang ang Sto. Tomas, Sasmuan, Guagua, Masantol, Sta. Ana, Sta. Rita, Mabalacat, San Simon, Porac, Lubao, Magalang at ilang bahagi ng San Fernando City.
Wala pa ring suplay ng kuryente sa lahat ng barangay sa bayan ng Mexico at Arayat.
Kaugnay nito, handa naman ang Provincial government sa mga food at non-food items para sa mga evacuees.