600,000 doses ng Sinovac anti Covid vaccine na donasyon ng China, hindi pa makararating sa bansa dahil wala pang EUA
Hindi pa makararating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac anti-COVID- 19 vaccine na donasyon ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa February 23 sana inaasahang darating ang Sinovac vaccine subalit hindi ito matutuloy dahil wala pa itong Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration o FDA.
Ayon kay Roque, batay sa Deed of Donations, kinakailangang mabigyan ang Sinovac ng Emergency Use Authorization para magamit agad at hindi masayang.
Inihayag ni Roque na mayroon pang apat na documentary requirements na hindi naisuusumite ng Sinovac sa FDA kaya hindi pa ito mabigyan ng Emergeny Use Authorization.
Gagamitin sana sa mga Medical Frontlineners ang darating na Sinovac anti COVID 19 vaccine para mapalakas ang health response ng bansa laban sa pandemya ng COVID 19.
Vic Somintac