National Hospital Week ipinagdiriwang ng DOH ibat’ibang aktibidad pangkalusugan isinasagawa sa buong bansa

Taun taong ginugunita ang National Hospital Week tuwing sasapit ang  Agosto.

Ito ay batay sa Presidential Proclamation 181.

Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ay “ospital kaagapay para sa malusog na isip at katawan tungo sa pagbabago”

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layunin ng selebrasyon nai-promote ang awareness tungkol sa mga programang pangkalusugan at ang mahalagang ginagampanan ng mga hospital sa pakikipagtulungan sa iba pang sektor sa komunidad, upang mapanatili ang malusog na lipunan at ng buong bansa.

Dito sa NCR, sinabi ni Dr. Imelda Mateo, Chairperson ng 2017 national hospital week celebration na ilan sa pinaghandaan na aktibidad ay ang exhibit na makikita sa lobby ng Lung Center of the Philippines upang ipakita ang mga serbisyo ng mga hospital, ang pasilidad at mga ginagamit na equipments upang gamutin ang isang pasyente.

Kahapon naman ay nagsagawa ng summit ang mga director ng ibat’ibang hospital sa NCR na dito ay tinalakay ang mga health emergency preparedness.

Ngayong araw na ito ay isinagawa ang community based services sa mga kababayan natin sa Batasan Hills health center sa  Q.C na dito ay nagkaloob sila ng libreng medical check up, diagnosis at libreng gamot.

Ang selebrasyon ng National Hospital Week ay tatagal hanggang Agosto  a dose, 2017.

Ulat ni: Annabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *