650,000 indibidwal target ng Private sector na mabakunahan pagdating ng AztraZeneca vaccine sa Hunyo
Pinaghahandaan na ng pribadong sektor ang pagdating sa bansa ng inorder na bakunang AztraZeneca.
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepción sa panayam ng Eagle in Action, sa kabuuang 17 million doses na inorder, 1.3 million doses ang darating sa Hunyo at ang màbabakunahan ay nasa 650,000 katao.
Ang Zuellig Pharma Corporation ang napili ng Private sector na mag-handle ng storage at distribution sa iba ibang vaccine centers.
Sinabi pa ni Concepción na nasa 600 kumpanya ang nakilahok para maisagawa ang pagbabakuna sa mga manggagawa o empleyado sa private sector.
Umaasa naman si Concepción na marami ang magpapabakuna o magkaron ng vaccine confidence nang hindi bababa sa 80 percent lalo pa nga’t ang pagpapabakuna ang nakikita nilang solusyon sa Economic crisis ng bansa.
Darating sa bansa ang AztraZeneca vaccines mula Hunyo hanggang Disyembre ngayong taon.
Julie Fernando