67 milyong bata ang hindi nabigyan ng bakuna dahil sa Covid: UNICEF
Humigit-kumulang 67 milyong bata ang bahagya o ganap na hindi nakuha ang mga nakagawiang bakuna sa buong mundo sa pagitan ng 2019 at 2021, dahil sa mga lockdown at pagkagambala sa pangangalagang pangkalusugan na dulot ng pandemya ng Covid-19.
Sinabi ng UN children’s agency na UNICEF, “More than a decade of hard-earned gains in routine childhood immunization have been eroded, and getting back on track will be challenging.”
Ayon sa UNICEF, sa 67 milyong mga bata na ang mga pagbabakuna ay “lubhang nagambala,” 48 milyon ang hindi nakakuha ng mga karaniwang bakuna, na nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa potensyal na paglaganap ng polio at tigdas.
Bumaba ang saklaw ng bakuna sa mga bata sa 112 bansa at ang porsyento ng mga batang nabakunahan sa buong mundo ay bumaba ng 5 puntos hanggang 81 porsiyento — isang pagbabang hindi pa nangyari mula noong 2008. Ang Africa at South Asia ang partikular na naapektuhan.
Sa report ng UNICEF ay nakasaad, “Worryingly, the backsliding during the pandemic came at the end of a decade when, in broad terms, growth in childhood immunization had stagnated.”
Ang mga bakuna ay nagliligtas ng 4.4 na milyong buhay bawat taon, isang bilang na sinabi ng United Nations ay maaaring tumalon sa 5.8 milyon pagsapit ng 2030 kung ang maambisyosong target nito na “leave no one behind” ay matutugunan.
Sinabi ni Brian Keeley, editor in chief ng UNICEF report, “Vaccines have played a really important role in allowing more children to live healthy, long lives. Any decline at all in vaccination rates is worrying.”
Bago naipakilala ang isang bakuna noong 1963, ang tigdas ay pumatay ng humigit-kumulang 2.6na milyong tao bawat taon, karamihan ay mga bata. Noong 2021, ang bilang na iyon ay bumagsak sa 128,000.
Ngunit sa pagitan ng 2019 at 2021, ang porsyento ng mga batang nabakunahan laban sa tigdas ay bumaba mula 86 porsyento hanggang 81 porsyento, at ang bilang ng mga kaso noong 2022 ay dumoble kumpara noong 2021.
Babala ni Keeley, ang pagdausdos sa mga rate ng pagbabakuna ay maaaring maragdagan ng iba pang mga krisis, mula sa pagbabago ng klima hanggang sa kawalan ng seguridad sa pagkain.
Aniya, “You’ve got increasing number of conflicts, economic stagnation in a lot of countries, climate emergencies, and so on. This all sort of makes it harder and harder for health systems and countries to meet vaccination needs.”
Nanawagan ang UNICEF sa mga gobyerno na doblehin ang kanilang pangako na dagdagan ang pondo para sa pagbabakuna, na may espesyal na atensyon sa pagpapabilis upang makahabol ang mga pagsusumikap sa pagbabakuna para sa mga hindi naturukan ng bakuna.
Nakasaad din sa report ang tumataas na pangamba tungkol sa pagbaba ng tiwala ng mga tao sa mga bakuna, na nakita sa 52 mula sa 55 mga bansa na isinailalim sa survey.
Sinabi ni Catherine Russell, executive director ng UNICEF, “We cannot allow confidence in routine immunizations to become another victim of the pandemic. Otherwise, the next wave of deaths could be of more children with measles, diphtheria or other preventable diseases.”
Ayon pa sa report, “Vaccine confidence can be volatile and time specific, and ‘further analysis will be required to determine if the findings are indicative of a longer-term trend’ beyond the pandemic. Overall, support fo vaccines remains relatively strong.”
Sa humigit-kumulang kalahati ng 55 bansang na-survey, mahigit 80 porsiyento ng mga respondent ang “nakitang mahalaga ang mga bakuna para sa mga bata.”
Ani Keeley, “There is reason to be somewhat hopeful that services are recovering in quite a few countries. Preliminary vaccination data from 2022 showed encouraging signs.”
Dagdag pa niya, “But even getting numbers back up to pre-pandemic levels will take years, not including reaching the children who were missing before the pandemic. And they are not an insubstantial number.”
© Agence France-Presse