6’S’ na sakit sa summer season dapat iwasan-DOH

Bagamat hindi pa naidedeklara ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng tag-init, muling nagpa-alala ang Department of Health sa mga uri ng sakit na karaniwang nakukuha tuwing summer season.

Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Health Secretary Paulyn Ubial, tinukoy niya ang anim na sakit sa summer o kung tawagin ay 6’S’ na karaniwang nakukuha tuwing mainit ang panahon.

Ito ay ang sunburn, sore eyes, singaw, heat stroke, diarrhea at sakmal ng aso o rabies.

Sinabi ni Secretary Ubial na ang sunburn ay maiwasan kung gagawin ang mga outdoor activities sa umaga at iwasan ang direct exposure sa araw mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon at makatutulong ang paggamit ng sunscreen protection o anumang pananggalang sa sikat ng araw.

Aniya, ang sore eyes o conjunctivities, ay kailangan agad na maagapan dahil posibleng mauwi ito sa pagkabulag bunsod ng irritation at dapat ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

Huwag kalimutang uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig araw-araw upang maiwasan ang heat stroke.

Malimit ding makuha ang singaw tuwing tag-init dahil sa kakulangan sa tubig at sanhi rin ito ng paghina ng resistensya dahil sa init at biglang papasok sa isang malamig na lugar.

Very common rin aniya ang diarrhea tuwing tag-init na nagdudulot naman ng madaling pagka-panis ng mga pagkain.

At dahil panahon rin ng bakasyon, nagiging madalas ang interaction ng mga aso at mga tao kaya ipinapayo ni Ubial na maging responsableng pet owner at kung sakaling nakagat ng aso ay magpatingin kaagad sa animal bite center.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *