7.2 magnitude na lindol tumama sa Peru, walo nasaktan
Walo katao ang nasaktan nang tamaan ng 7.2 magnitude na lindol ang southern coast ng Peru, na sumandaling nagdulot ng takot sa pagkakaroon ng tsunami.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang pagyanig ay tumama 8.8 kilometro (5.5 milya) mula sa Atiquipa district, at naramdaman sa Lima at sa malaking bahagi ng southern at central coast ng Peru.
Sinabi ni Yauca mayor Juan Aranguren, na sa kanilang bayan ay nagbagsakan ang mga dingding at isang pangunahing kalsada ang nagkaroon ng mga bitak.
Ayon naman kay Prime Minister Gustavo Adrianzen, “I want to convey tranquility. The earthquake has passed, we are making the first evaluations, and so far there are no fatalities to lament.”
Una nang sinabi ng Pacific Tsunami Warning Centre, “hazardous tsunami waves are forecast for some coasts” ngunit kalaunan ay sinabing lumipas na ang banta.
Ang Peru, na mayroong 33 milyong populasyon, ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang malawak na lugar ng intense seismic activity na nasa kahabaan ng west coast ng Americas.
Taun-taon, ang Peru ay tinatamaan ng daan-daang ‘detectable’ quakes.