70 PDLs, inilipat sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte
Panibagong batch ng 70 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang inilipat sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na mula sa mga inilipat na PDLs, 50 ang nagmula sa Maximum Camp habang 20 ay mula sa Reception and Diagnostic Center ng NBP.
Ang patuloy na paglilipat ng mga PDL sa iba’t ibang operating prisons and penal farms ay bahagi ng nagpapatuloy na decongestion program ng BuCor at magkaroon ng karagdagang manggagawa para sa mga proyektong pang-agrikultura.
Isinusulong din ni Catapang ang pagtatayo ng corrections facilities sa Laur, Nueva Ecija, na inaprubahan na ng Regional Development Council ng Central Luzon noong 2015.
Ang nasabing proyekto ay upang bahagyang malutas ang overcrowding sa NBP habang naghihintay ng pondo para sa pagpapatupad ng RA 10575, o mas kilala sa tawag na BuCor Modernization Act.
Archie Amado