71 pumasa sa 2020 Special Bar Exams para sa Shari’ah Courts
Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2020 Special Bar Examinations para sa Shari’ah Courts.
Ayon sa Office of the Bar Confidant, 71 mula sa 654 examinees o 10.86% ang pumasa sa pagsusulit.
Sinabi naman ni Court of Appeals Justice Japar Dimaampao na chairperson ng 2020 Committee on the Shari’ah Bar Examinations na ito na ang ikalawa sa pinakamababang passing percentage sa kasaysayan ng pagsusulit.
Ang lowest passing percentage ay naitala noong 1983 kung saan 14 lang ang pumaso o 7.69%.
Si Mohammad Hisham Mocsir ang topnotcher sa eksaminasyon na nakakuha ng mahigit 87% na grado.
Idinaos ang Shari’ah Bar Exams noong January 19 at 26, 2020 sa Court of Appeals sa Maynila.
Ang Shari’ah bar exams ay isinasagawa kada dalawang taon na sinimulan noong 1983.
Moira Encina