73 Barangay sa Maynila, walang naitalang Covid-19 cases sa nakalipas na 2 buwan
Aaabot na sa 73 barangay sa Maynila ang Covid–19 free sa loob ng dalawang buwan.
Sa flag raising ceremony, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nasabing barangay na walang naitalang Covid-19 cases mula September 1 hanggang October 31, 2020.
Kaugnay nito, tatanggap naman ng 100,000 pisong cash incentives ang mga nasabing Barangay mula sa Lokal na Pamahalaan.
Bago idineklarang Covid-19 free ang mga nasabing Barangay ay sumailalim naman muna ito sa beripikasyon ng Manila Health Department.
Hanggang nitong Nobyembre 6, umabot na sa 21,108 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Maynila.
Pero sa bilang na ito ay 480 lamang ang active cases.
Umabot naman sa 20,009 ang mga nakarekober.
Habang may 619 naman ang nasawi dahil sa virus.
Madz Moratillo