77 milyong indibidwal, target mabakunahan sa bansa sa katapusan ng Hunyo
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 77 milyong Pilipino o 85% ng eligible population sa katapusan ng Hunyo kasabay ng pagtatapos sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nasa 68.5 milyong indibidwal na sa bansa ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine.
Iniulat rin ng Health official na nasa 7,407 indibidwal ang nabakunahan sa mga itinalagang vaccination site noong araw mismo ng 2022 Elections.
Kasalukuyan ding nagsasagawa ng special vaccination days ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mababang vaccination turnout sa rehiyon.
Nakamonitor rin ang DOH sa Regions 4-A, 4-B, 5, 7, at 12 upang mapataas ang vaccination rates sa mga nasabing lugar.