kasong isasampa laban sa ilang indibidwal na nagpapakilalang lider ng KBK group , inihahanda na
Inihahanda na ng Koalisyon Bantay Kuryente ang isasampang reklamo laban sa ilang indibidwal na nagpapakilalang lider ng kanilang grupo.
Kasabay nito, kinwestyon ni KBK President Halley Alcarde ang motibo ni Jose Allen Aquino sa paggamit sa kanilang grupo para siraan ang bagong power distributor sa iloilo City na More Electric and Power Corporation.
Ayon kay Alcarde, si Aquino ay dating empleyado ng Panay Electric Company na nagresign dahil sa hindi umano nito nagustuhan ang pamamalakad ng kanilang kumpanya.
Nang mawala sa PECO ay bumuo si Aquino ng grupong Power Service Cooperative na kalaunan ay nagtangkang kumuha ng kontrata sa More Power ngunit hindi ito naaprubahan.
Nabatid mula sa PSC officers na pinagresign na nila si Aquino sa kanilang grupo.
Kasanay nito, inakusahan ni Alcarde si Aquino bilang “attack dog” ng PECO si laban sa More Power sa pamamagitan na rin ng pagpapalabas nito ng mga maling impormasyon.
Matatandaan na una nang inalmahan ng mga original na mga opisyal ng KBK ang paggamit ni Aquino sa kanilang grupo partikular ang pagharap pa nito sa virtual pressconference ng PECO kamakailan kung saan ipinananawagan nito sa Energy Regulatory Commission(ERC) na magrefund ang More Power sa sobrang siningil nito sa systems loss.
Ang KBK ay isang power consumer group sa Iloilo City na koalisyon ng ibat ibang grupo kabilang ang transport group at teacher and parents association.
Madz Moratillo