Covid cases sa bansa umakyat na sa mahigit 348,000
Umakyat na sa 348,698 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, ay 48,040 ang active cases.
Ang 84.6% dito ay mild cases, 10. 7% ay asymptomatic, 3.2% ay critical, 1.6% ay severe.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 2,261 bagong kaso ng virus infection.
Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 566 new cases, Cavite na may 174 new cases, Pangasinan na may 145 new cases, Northern Samar na may 104 new cases at Quezon na may 98 new cases.
May naitala namang 385 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil rito, umabot na ngayon sa 294,161 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 50 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 34 rito ay nasawi noong Oktubre, 9 noong Setyembre, 5 noong Agosto, 1 noong Hulyo, at 1 noong Hunyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,497 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 99 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz moratillo