88-anyos, nakatapos ng kaniyang ika-12 Athens Marathon
Sa edad na 88, muling pinatunayan ng Greek runner na si Ploutarchos Pourliakas, na ang edad ay numero lamang at hindi hadlang sa determinasyon matapos niyang makumpleto ang 41st edition ng Athens Marathon noong Linggo.
Ang karera, na tinatawag ding The Authentic, ay taunang ginaganap sa pinaniniwalaang kaparehong lugar kung saan tumakbo ang Athenian messenger na si Phiedippides upang dalhin ang balita ng tagumpay mula sa battlefield ng Marathon 2,500 taon na ang nakalilipas.
Ploutarchos Pourliakas, 88, the oldest runner in the 41st Athens Authentic Marathon gestures just before crossing the finish line at the Panathenaic Stadium in Athens, Greece, November 10, 2024. REUTERS/Louisa Gouliamaki
Kinikilala rin bilang orihinal na marathon course, ang parehong ruta ay ginamit sa 2004 Olympics na ginanap sa Athens.
Sinabi ni Pourliakas, “I finished and even improved on last year,” ilang sandali matapos niyang marating ang finish line sa makasaysayang Panathenaic Stadium of Athens, habang nagbubunyi ang kaniyang pamilya at mga apo sabay ang pagbati sa kaniya.
Ngayong taon nakumpleto niya ang karera sa loob ng anim na oras at 31 minuto, at mas mabilis ito ng 18 minuto kumpara noong isang taon.
Ploutarchos Pourliakas, 88, the oldest runner in the 41st Athens Authentic Marathon crosses the finish line at the Panathenaic Stadium in Athens, Greece, November 10, 2024. REUTERS/Louisa Gouliamaki
Aniya, “I feel younger than my 88 years,” habang nagbabalik-tanaw sa kaniyang mga achievement. Ito ang tanda ng ika-12 ulit niyang pagsali at pagkumpleto sa 42.195km (26.22 miles) na karera mula sa Tomb of Marathon hanggang sa Panathenaic Stadium.
Dahil na-inspire ng kaniyang na lalaki, nagsimula ang ultramarathon runner ng pagtakbo sa sinilangan niyang bayan ng Kastoria, sa northern Greece, sa edad na 73.
Ayon kay Pourliakas, marami ang hindi makapaniwala sa kaniyang edad nang makita nila siya na tumatakbo, subalit agad niyang sinasabi sa mga ito, “Why wouldn’t you believe it? We all can do it. As long as we want to.”
Ploutarchos Pourliakas, 88, the oldest runner in the 41st Athens Authentic Marathon poses after finishing the race at the Panathenaic Stadium in Athens, Greece, November 10, 2024. REUTERS/Louisa Gouliamaki
Sa kaniyang training routine, ang 88-anyos ay tumatakbo mula apat hanggang limang kilometro araw-araw at hanggang 20km naman kapag weekends.
Aniya, “I’ve never smoked. I don’t indulge in excesses, I don’t drink, I don’t stay up late. I eat in a balanced way, everything but in moderation. However, I do have a little ‘tsipouro’ (a local drink) every day not as a drink, but as a medicine.”