896,000 doses ng Astrazeneca vaccine, dumating sa bansa
Dumating sa bansa ngayong araw ang 896,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.
Lumapag ang mga bakuna sa NAIA Terminal 1, lulan ng Flight CI 701.
Sinalubong ang mga bakuna nina National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar, Sec. Carlito Galvez Jr. at Japanese Ambassador to the Philippines, H.E. Kazuhiko Koshikawa kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Ang mga bagong dating na bakuna ay bahagi ng pangako ng Japan government sa bansa na assistance sa vaccination drive ng gobyerno upang makamit ang population protection sa katapusan ng 2021.
Please follow and like us: