90-day extension sa SIM registration, inanunsyo ni Remulla
Extended sa loob ng 90-araw o tatlong buwan ang mandatory SIM registration.
Inanunsyo ng gobyerno ang pagpapalawig sa mandatory SIM registration kasunod ng pagpupulong na ginawa sa Malacanang, isang araw bago ang April 26 deadline na itinakda ng batas.
Ginawa ni Justice Secretary Crispin Remulla ang anunsyo ng SIM registration extension sa harap na rin ng kabilaang panawagan ng mga telecommunication companies o TelCos para sa pagpapalawig nito.
Bago magsimula ang Inter-Agency meeting ukol sa Oriental Mindoro oil spill, inanunsyo ni Remulla ang desisyon ng gobyerno.
“There’s a 90-day extension,” saad ni Remulla.
Sa ilalim ng Mandatory SIM Registration Act, itinadhana na pagkatapos ng April 26 deadline ay made-deactivate ang mga SIM cards na hindi nairehistro.
Sinabi ni Remulla karamihan sa serbisyo ng cellphones na hindi nairehistro ay puputulin ng mga Telcos.
“So there will be a social media unavailability for those who do not register in the
next 90 days.”
Inaasahan din ang anunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isang briefing sa Malacañang mamayang hapon kasunod ng gagawing pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos.
Weng dela Fuente