90% ng COVID-19 vaccine dapat umanong ilaan sa NCR para mas mabilis na mapababa ang mga kaso sa bansa
Para mas mabilis na mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat umanong itaas pa ng gobyerno ang alokasyon ng bakuna sa National Capital Region.
Ito ang iminungkahi ni Dr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, fellow sa Octa Research Group, sa Kapihan sa Manila Bay News Forum.
Suportado naman ni Austriaco ang kasalukuyang ginagawa ng gobyerno na ang mas mataas na alokasyon ng COVID-19 vaccines ay dinadala sa NCR.
Pero giit ni Austriaco para mas mapabilis ang pagpapababa ng mga kaso ng virus infection sa bansa, 90% ng mga bakuna ay dapat dalhin sa NCR.
Habang ang natitirang 10% ay hatiin sa ibat ibang rehiyon sa bansa ilang ilaan naman para sa mga medical frontliner at senior citizen.
Ang NCR kasi aniya ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Kaya naman kung matatamo ang herd immunity sa NCR ay mas makapagbubukas ng ekonimoya ang banda lalo na at ito ang sentro.
Sa pinakahuling ulat, umabot na sa halos 3 milyon ang nabakunahan kontra COVID 19 dito sa bansa.
Madz Moratillo