90% ng populasyon sa isang probinsiya sa China, infected ng COVID-19
Halos 90 porsiyento ng populasyon sa ikatlong pinakamataong probinsiya ng China ang infected na ngayon ng COVID-19 ayon sa isang mataas na opisyal, habang nakikipaglaban ang bansa sa hindi inaasahang paglobo ng mga kaso.
Sinabi ni Kan Quancheng, health commission director para sa central Henan province, “as of January 6, 2023, the province’s Covid infection rate is 89.0 percent.”
Dahil sa populasyon na 99.4 million, iminumungkahi ng nasabing bilang na humigt-kumulang 88.5 milyong katao sa Henan ang maaaring infected na ngayon.
Ayon kay Kan, “Visits to fever clinics peaked on December 19, after which it showed a continuous downward trend.”
Ang China ay nakikipaglaban ngayon sa paglobo ng mga kaso kasunod ng desisyon nito noong nakaraang buwan na alisin ang ilan taon na ring umiiral na lockdowns, quarantines at mass testing na bumayo sa kanilang ekonomiya at nagpasiklab sa mga protesta sa buong bansa.
At determinado ang Beijing na ipagpatuloy ang kanilang reopening, kung saan nitong Linggo ay inalis na rin nila ang mandatory quarantine para sa lahat ng international arrivals at binuksan ang kanilang border sa semi-autonomous southern city ng Hong Kong.
Subalit ang mga impeksiyon ay inaasahang sisirit sa panahon ng selebrasyon ng bansa sa Lunar New Year sa huling bahagi ng buwan, kung saan milyun-milyon ang inaasahang darating mula sa malalaking mga siyudad para bisitahin ang matatandang kamag-anak sa lalawigan.
Sa unang bugso ng pre-holiday travel, lumitaw sa official data na 34.7 milyong katao ang bumiyahe, mas mataas ng higit tatlong bahagi kumpara sa nakalipas na taon, ayon sa state media.
Nito namang nakalipas na linggo, lumitaw sa official data na 120,000 katao ang na-infect at 30 ang namatay simula nang luwagan ng China ang COVID-19 restrictions sa unang bahagi ng Disyembre,
Ngunit matapos limitahan ng Beijing noong nakaraang buwan ang depenisyon ng Covid deaths at hindi na sapilitan ang mass testing, ang data nito ay hindi na sumasalamin sa totoong bilang ng outbreak.
© Agence France-Presse