936 PDLs sa BuCor, boboto sa Barangay Elections
Kabuuang 936 Persons Deprived Of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) ang inaasahang boboto sa darating na Barangay elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia, ang nasabing bilang ng PDLs ay kuwalipikado at rehistradong botante sa Muntinlupa City.
Wala pang hatol o nagpapatuloy pa aniya ang paglilitis sa kaso ng nasabing inmates kaya sila ay maaaring makaboto.
Ito aniya ang unang pagkakataon na boboto ang PDLs para sa Barangay elections makaraan ang ilang pagpapaliban ng halalan at alisin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) sa pagboto ng inmates sa local elections.
Kaugnay nito, bubuo ang poll body ng mga panuntunan sa PDL voting. Sinabi ni Garcia na bubuksan nila sa media at sa Local at International observers ang PDL voting para sa pambarangay na halalan sa Oktubre 30.
“Kinakailangan pag-usapan namin kung paano papayagan sila na makaboto, yung mga balota nila ay kukuhanin sa iba’t-ibang presinto sa mismong siyudad at the same time paano maibabalik mga balota sa mga presinto” ani Garcia.
Moira Encina