97th IB ng Phil. Army, lumahok sa brigada eskuwela sa Zamboanga del Norte
Lumahok sa Brigada Eskuwela 2021 na may temang “Bayanihan sa Paaralan,” ang mga miembro ng 97th Infantry “Kasalaglahi” Battalion ng Phil. Army
sa Piñan Central Elementary School.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng school head na si Gng. Renelda V Salatandre Principal II, kasama ang mga guro, Municipal Police ng Piñan, at magulang ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito ay kinilala ni Gng. Salatandre ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan, na tumulong sa kanila sa paglilinis sa mga paaralan bilang paghahanda sa darating na pasukan.
Sa naturang aktibidad, ay isinagawa ang paglilinis sa school ground, pagpintura sa ilang bahagi ng paaralan, paghiwa-hiwalay ng mga basura, paglilinis ng nagkalat na mga piraso ng kahoy, at pagtatanggal ng mga damo.
Pagkatapos ng paglilinis ay namahagi ang school staff ng certificates of appreciation sa mga tumulong para sa tagumpay ng nasabing aktibidad.
Samantala, sa pagsasagawa ng aktibidad ay tiniyak na nasunod ang required health standard protocol ng gobyerno.
Anj Tigolo