Mas pinaigting na contact tracing at isolation, paiiralin sa Metro Manila para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant
Mas maigting na contact tracing at isolation ang ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa harap ng banta ng mas nakakahawang Delta variant ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, magrereport ang Metro Mayors sa sitwasyon sa kani-kanilang lungsod at ano ang mga ginawa nila sa nakaraan para mapigilan ang paglobo ng mga kaso kasama dito ang intensive prevention, detection, isolation, treatment, rehabilitation, at contact tracing.
May ugnayan din ang mga Local Chief Executive sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tiyaking mahigpit na maipatupad ang safety health protocols.
Ilang mga alkalde ang ikinukonsiderang i-adjust ang kanilang city guidelines sakaling magkaroon muli ng surge ng Covid-19 cases
Isa sa mungkahi ng mga eksperto ay bawiin muna ng gobyerno ang pagpapahintulot na makalabas ang mga menor de edad.