Bamboo-framed face shield, economical na, environment-friendly pa
Nakakita ka na ba ng face shield na gawa ang frame sa kawayan?
Ang bamboo-framed face shield ay dinivelop ng Department of Science and Technology o DOST, Forest Products Research and Development Institute o FPRDI matapos na magkaroon ng kakulangan noon sa supply ng Personal Protective Equipment o PPEs na ginagamit pangunahin na ng mga frontliners.
Mahigit isang taon na rin tayong nakikipaglaban sa pandemya dulot ng COVID-19 gamit ang pangunahin nating sandata laban sa virus, ang face mask at face shield.
Ibat ibang style, kulay at materials na rin ang ginagamit upang gumawa ng face mask at face shield at dito ay lumalabas ang creativity ng mga Pinoy. Pero iba ang layunin ng DOST-FPRDI sa pagdevelop nila ng face shield na ang frame ay yari sa kawayan. Ito ay ang makalikha ng face shield na innovative, sustainable, economical at environmen-friendlyl. Dito nga nabuo ang Bamboo-Framed Face Shield.
Ayon sa FPRDI, sagana ang Pilipinas sa kawayan kung kayat ito ang kanilang naisipang i-develop na maging face shield. Ang bamboo face shield ay gawa sa bamboo slats, cable ties, blind rivets, nylon cord at roofing insulation.
Ito ang isa sa kontribusyon ng nasabing sangay ng DOST sa paglaban ng pamahalaan sa pandemya.
Ilang ahensya na rin ng pamahalaan ang nakatanggap ng nasabing bamboo-framed face shield.
Ayon pa sa DOST-FPRDI, ang pag-develop ng bamboo-framed face shied ay naging daan din upang lalong maging matibay ang samahan ng grupong bumuo ng nasabing proyekto.