Panibagong Israeli medical team, dumating sa bansa para tumulong sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19
Dumating na sa Pilipinas ang ikalawang grupo ng medical experts mula sa Israel para sa patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19.
Ang delegasyon ay pinangungunahan ni Dr. Guy Choshen, Infectious and COVID-19 specialist ng Tel Aviv Sourasky Medical Center.
Ayon sa Israel Embassy, limang araw ang pagbisita ng Israeli medical response team.
Makikipag-pulong ang Israeli team sa IATF upang ibahagi ang karanasan at best practices ng Israel sa paggamot ng mga COVID patients.
Si Health Usec. at Treatment czar Leopoldo Vega ang sumalubong sa delegasyon.
Ang unang grupo ng Israeli experts na bumisita sa bansa noong Hunyo ay tumuon sa best practices nila sa implementasyon ng national COVID vaccination.
Moira Encina