Ilang Senador suportado ang hirit ng Pangulo na magpasa ng batas para sa free legal assistance ng mga sundalo at pulis
Sinusuportahan ng ilang Senador ang hirit ni Pangulong Duterte na magpasa ng batas para sa free legal assistance ng mga sundalo at pulis na nahaharap sa kanilang kaso sa panahon ng kanilang trabaho.
Ayon kay Senador Ronald Dela Posa,na dating pinuno ng PNP, tama ang pangulo na dapat may batas para sa tulungan ang mga sundalo at pulis.
Matagal na aniya itong hinihintay ng mga uniformed personnel lalo na ang mga nakakasuhan habang tumutugon sa kanilang mandato.
Sinabi ni Dela rosa na bilang Chairman ng Senate Committee on Public Order, agad siyang maghahain ng panukala hinggil dito.
Para kay Senador Joel Villanueva valid naman ang hiling ng pangulo at handa rin itong busisiin ang request ng Pangulo.
Para naman kay Senador Imee Marcos, naiintindihan niya ang sentimyento ng Pangulo na protektahan rin ang mga sundalo at pulis.
Pero kwalipikado naman aniya ang mga ito sa ibinibigay na legal assistance ng Public Attorney’s Office.
Meanne Corvera