Ilan sa close contact ng 2 Delta variant case sa Bacoor, Cavite, nagpositibo sa antigen test

Pinalawig pa ang pinaiiral na lockdown sa dalawang subdivision sa Bacoor City, Cavite.

Ito ay matapos na magpositibo sa rapid antigen test ang ilan sa nagkaroon ng close contact sa dalawang nagpositibo sa Delta variant sa lungsod.

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, sa BF El Grande Subdivision sa Barangay Molino VI ay 6 ang nagpositibo sa rapid antigen tests sa 288 na kanilang sinuri.

Sa Addas 2-C subdivision sa Molino II naman, 9 sa 247 na isinailalim nila sa rapid antigen test ang nagpositibo.

Ayon sa Alkalde ang mga magkakaroon ng sintomas ng virus ay isasailalim sa swab test.

Kaugnay nito, idineklara bilang Critical Zones ang mga ito.

Ang El Grande Subdivision ay isinailalim sa total lockdown hanggang 11:59PM ng August 8 habang ang Addas 2-C naman ay hanggang 11:59PM ng August 9, 2021.

Ang mga lugar naman sa labas ng Critical Zones ay idedeklara bilang Containment Zones at paiiralin ang Modified Enhanced Community Quarantine rules.

Tiniyak naman ng Bacoor City LGU ang patuloy na contact tracing sa mga nagkaron ng close contact sa nagpositibong kaso.

Madz Moratillo

Please follow and like us: