DOH nakapagtala ng panibagong 9,671 mga kaso ng Covid-19 ngayong Linggo
Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 9,671 kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,079 na gumaling at 287 na pumanaw.
Dahil dito, pumalo na sa 1,658,916 ang kabuuang Covid-19 cases na may 77,516 aktibong kaso.
Habang umakyat naman sa 1,552,278 ang kabuuang mga nakarekober at ang death toll ay naitala sa 29,122.
Please follow and like us: