DOH nakapagtala ng 8,900 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,900 karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,667,714 ang kabuuang kaso ng Covid-19 na may 78,480 na aktibong kaso.

Samantala ay mayroon namang naitalang karagdagang 7,937 na gumaling at 6 na pumanaw.

Kaya umakyat na sa 1,560,106 ang kabuuang mga nakarekober habang nasa 29,128 ang kabuuang pumanaw sa virus infection.

Please follow and like us: