Mga Amerikanong fully vaccinated na, papapasukin na sa Canada

A vehicle enters the Ambassador Bridge Port of entry to cross into Canada, which has opened its borders to U.S. citizens who can provide proof of vaccination and negative COVID-19 test. (Photo by Matthew Hatcher/GETTY IMAGES NORTH AMERICA/Getty Images via AFP)

LACOLLE, Canada (AFP) – Inalis na ng Ottawa ang quarantine requirements para sa dumarating na US citizens at permanent residents, na fully vaccinated na.

Ito ay matapos muli nang buksan ang Canada-US border, ang pinakamahabang land boundary sa buong mundo, 17 buwan makaraan itong isara noong March 2020 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa Lacolle, Quebec checkpoint, 65 kilometro (40 milya) sa timog ng Montreal, pila ang mga driver dala ang katunayan na sila ay fully vaccinated na at negative COVID test.

Ayon sa karamihan ng mga biyahero, maayos naman silang nakatawid sa border, ang pila ng mga sasakyan ay mas kaunti kaysa inaasahan, at ilang minuto lamang ang itinagal ng pag-check ng border agents sa kanilang mga dokumento.

Samantala, simula sa Setyembre 7, kung ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay mananatiling mababa, aalisin na rin ng Canada ang restriksiyon upang payagan na ang lahat ng foreign nationals na magtungo sa kanilang bansa.

Agence France-Presse

Please follow and like us: