DOH muling nakapagtala ng mahigit 14 na libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 106,672 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 14,610 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 10,674 naitalang bagong gumaling.

May 27 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 30,366 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,755,846 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,618,808 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: