Naitalang COVID-19 cases ngayong araw bahagyang bumaba

Umabot na sa 105,787 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 10,035 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 10,858 naitalang bagong gumaling.

May 96 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 30,462 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,765,675 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,629,426 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: