Nasawi sa malakas na lindol sa Haiti, umakyat na sa 1,941
PORT-AU-PRINCE, Haiti (AFP) – Umakyat na sa 1,941 ang bilang ng mga namatay sa 7.2-magnitude na lindol na tumama sa Haiti.
Ayon sa civil protection agency, higit 9,900 ang nasugatan, higit 60,000 mga bahay ang nawasak habang 76,000 naman ang napinsala at marami ring pampublikong mga gusali ang nasira o gumuho sa nangyaring lindol noong Sabado.
Nagbabala rin ang US National Hurricane Center, ng flash at urban flooding at posibleng mga mudslide.
Samantala, may ilan nang tulong na dumating mula sa ibang bansa, kabilang na ang specialized search crews mula sa America, maging ang 15.4 tonelada ng pagkain, mga gamot at tubig galing sa Mexico.
Ang lindol noong Sabado ay nangyari makalipas lamang ang higit isang buwan, mula nang paslangin si Haiti President Jovenel Moise sa kaniyang tahanan ng isang hit squad.
Ang krimen ay yumanig sa Haiti, na nakikipaglaban din sa hindi makontrol na gang violence at COVID-19.
Agence France-Presse