Macron, dadalo sa Baghdad summit
BAGHDAD, Iraq (AFP) – Kabilang si French President Emmanuel Macron sa mga lider na dadalo sa regional summit ngayong araw (Sabado) sa Iraq.
Nakatakda ring dumalo sina Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi at King Abdullah II ng Jordan, maging ang foreign ministers ng Iran at Saudi Arabia.
Hindi ipinababatid ng organizers ang agenda, subalit ang pulong ay gaganapin bilang pagtatangka ng Iraq na ma-establish ang pagiging mediator sa pagitan ng Arab countries at Iran.
Ayon sa sources na malapit kay Iraq Prime Minister Mustafa al-Kadhemi, nais ng Iraq na magkaroon ng “unifying role” sa pagharap sa mga krisis na yumayanig sa rehiyon.
Ang bansang mayaman sa langis ay matagal na panahon nang nagsisikap na magkaroon ng balanseng ugnayan sa dalawang pangunahin nitong ka-alyado, ang Iran at Estados Unidos.
Sa kaniyang pagdalo ay target ni Macron na mabigyang pansin ang papel ng France sa rehiyon, at ang determinasyon nito na bigyang diin ang paglaban sa terorismo.
Ikinukonsidera ni Macron na mahalaga ang Iraq, sa ikatatatag ng gusot sa Gitnang Silangan.
Agence France-Presse