Osaka at Tsitsipas, kapwa dinaig ng teenage players sa US Open
Kapwa dinaig ng teenage players ang defending champion na si Naomi Osaka ng Japan, at Greek third seed Stefanos Tsitsipas, sa 3rd round ng US Open sa Arthur Ashe Stadium.
Ginulat ng 18 anyos na kaliweteng sii Leylah Fernandez, ang four-time Grand Slam champion na si Osaka, habang tinalo naman ni Carlos Alcaraz ang French Open runner-up na si Tsitsipas.
Dahil sa panalo ng 17 anyos na si Alcaraz, siya ngayon ang pinakabatang manlalaro na nakapasok sa 4th round.
Ayon kay Alcaraz . . . “Incredible. Incredible feeling for me. This victory means a lot to me. It’s the best match of my career, the best win. To beat Stefanos Tsitsipas is a dream come.true and to win here is even more special to me.”
Sanhi naman ng pagkatalo ni Osaka, ay wala na siyang pagkakataong makuha pa ang ikatlo sana niyang US Open crown at unang back-to-back titles.
Ayon kay Fernandez . . . “From the very beginning, right before the match, I knew I was able to win. Thanks to New York fans. They helped me get the win.”
Napanalunan ng Spanish player na si Alcaraz ang kauna-unahan niyang ATP title sa Umag noong July, kung saan siya ang pinakabatang tour champion.
Tinaguriang ” Next Nadal,” susunod namang makakalaban ni Alcaraz na crowd favorite sa Arthur Ashe Stadium, ang 141st-ranked German qualifier na si Peter Gojowczyk.
Nakuha naman ni Fernandez na ang ina ay isang Filipino-Canadian ang una niyang WTA title noong Marso sa Monterey.
Sunod niyang makakaharap sa 4th round ang German 16th seed na si Angelique Kerber.