RHU services sa Bulakan, Bulacan suspendido dahil sa mga staff na nagpositibo
Humingi ng pang – unawa ang Municipal Health Office o MHO ng bayan ng Bulakan, Bulacan, at Ipinababatid sa mga mamamayan na suspendido muna ang serbisyo ng lahat ng Health Center at lahat ng Rural Health Units o RHU, dahil sa may mga staff na nagpositibo sa COVID 19.
Ang suspensiyon ay epektibo simula ngayong September 8 hanggang September 12 taong kasalukuyan.
Pansamantala ring ipagpapalubang ang lahat ng naka-schedule na bakuna sa linggong ito.
Muling ipagpapatuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng RHU Bulakan sa Lunes, ika 13 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Samantala base sa huling update ng Bulakan MHO, 25 ang naragdag na gumaling sa COVID-19.
Mula naman sa 14 na barangay ng bayan, ay 13 ang nakapagtala ng 64 na mga bagong nagpositibo habang 2 ang naragdag na namatay dahil sa coronavirus.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2, 088 ang kabuuang nagpositibo at 1,707 o 81% naman ang gumaling, buhat nang magsimula ang pandemya.
Patuloy namang hinihikayat ng mga kinauukulan ang mga mamamayan, na palagiang gawin ang pag-iingat, at maging handa rin sa kasalukuyang bagyo na nagsisimula nang maranasan sa naturang bayan.
Dhen Mauricio