Senado, nagbantang tatapyasan ang pondo ng COMELEC sa susunod na taon

Nagbanta ang Senado na tatapyasan ang pondo ng Commission on elections sa susunod na taon .

Itoý kapag hindi pinalawig ng COMELEC ang voter’s registration hanggang sa susunod na buwan.

May nauna nang inaprubahang concurrent resolution no.17 ang Senado para sa pagpapalawig ng voter’s registration hanggang sa October 31 mula sa kasalukuyang deadline na September 30.

Pero tinanggihan ng COMELEC dahil maaantala naman ang kanilang paghahanda sa halalan.

Sa plenary session,iginiit ni Senate minority leader Franklin Drilon na milyon milyong botante pa ang hindi nakapagpaparehistro dahil sa sunod sunod na lockdown at quarantine restrictions na ipinatupad ng gobyerno.

Paalala ng Senador , dapat kilalanin ng COMELEC ang karapatang bomoto ng lahata ng indibidwal dahil ito ay ginagarantiyahan ng saligang batas .

Sinabi ni Senador Grace Poe , aabot pa sa labingdalawang milyong mga kabataan ang hindi pa nakakapagparehistro.

Meanne Corvera

Please follow and like us: